EDITORYAL
Isang mabait na mukha sa bawat wika
Pagkakaibigan, pakikiramay, pagkamaaasahan sa lahat ng wika sa mundo. Ang Poste Italiane ay nag-uugat sa isang bansa na nakaranas mismo ng malawakang paglikas ng mga mamamayan nito at ang sakit na dulot ng pagkakawalay mula sa sariling pamilya at mga minamahal sa buhay. Sa loob ng maraming dekada, kinatawan ng kartero ang ugnayan sa pagitan ng mga kontinente ng mga libu-libong pamilya, tulad ng isang liwanag sa kadiliman.
Ito ay kuwento na pagmamay-ari ng maraming henerasyon ng mga Italian. Malalim itong nakaukit sa kolektibong alaala ng bansa, isang alaala na mula pa sa simula ay bahagi na ang Poste Italiane. Ibinahagi nila ang kanilang mga kuwento, takot at pag-asa at sa buong peninsula, ang misyon ng Poste Italiane ay ang pagsamahin ang mas paglapitin pa ang mga tao.
Ngayon na ang Italy at ang buong mundo ay nasa panahong digital na, muling sinuri ng Poste Italiane ang misyon at mga pinahahalagahan nito, naglilingkod sa dumaraming bilang ng mga banyagang kostumer, na lumampas na sa 5 milyon. Ang mga kostumer na ito ay nabubuhay ngayon sa parehong mga kondisyon tulad ng mga Italian na emigrante noong nakaraan. Sa kabila ng paglaganap ng internet, mga smartphone, mga murang pamasahe sa eroplano at ng telebisyon, nananatiling nakakalungkot ang mga distansya lalo na kapag walang taong gumagamit ng iyong wika. Ang distansya sa pagitan mo at ng iyong bansang pinagmulan ay mahirap makayanan.
Dahil dito, sa kabila ng paglabas ng mga bagong teknolohiya na naka-integrate sa plataporma ng Poste Italiane, madalas na mas mahalaga ang pagkakataon ng pakikipag-ugnayan sa mga ibang tao kaysa sa pagiging episyente ng IT. Ang Poste Italiane ngayon ay itinatag noong nakaraan ng isang bansa na nakatanaw sa kinabukasan kung saan natututuhan ng lipunang multikultural ang halaga ng sarili nitong potensyal.
Huwag matakot na magsalita, may mga mababait na taong nakapagasalita sa iyong wika at maiintindihan ka.