BARI VIA QUARNARO
Pag-intindi sa isa't isa habang nakikinig ng musika
Ang Post Office ng Via Quarnaro 10 ay malapit lang sa Teatro Petruzzelli, ang pinakamalaking teatro sa Bari at ang pang-apat na pinakamalaki sa Italy.Ang posisyon ng branch na ito ay napakaganda: kahit pa walang malinaw na multikultural na kalapitbahayan sa Bari, ang mahabang bahagi na nasa pagitan ng seafront promenade at ng Piazza Umberto ay napaka-cosmopolitan at napaka-abalang distrito.Isang siglo sa nakaraan, ang branch na ito ay tinatawag na ‘Bari 2- Borsa’, dahil makikita ito sa gitna ng sinaunang pinansiyal na distrito. Ngayon ay isa itong makulay na pinagtagpi-tagping Esperanto na kumakatawan sa posibleng integrasyon, dahil lahat ng serbisyo ay magagamit ng lahat ng tao.Kinukumpirma ng mga kostumer na mahalaga ang naiaambag ng branch na ito sa lungsod, dahil bawat isyu ay nalulutas nang may ngiti.
Magmula noong 2015 ipinagkakaloob ang mga serbisyo sa anim na iba't ibang wika, na nakakatulong upang hindi ganoon kahirap ang mawalay sa bansang pinagmulan.Iniulat ng manager na si Raffaelle Troiano ang maraming positibong interaksyon sa mga kliyente, na may ilang nagiging pangmatagalang pagkakaibigan.Tumaas ang pagiging produktibo nang 20% magmula noong inilunsad ang multilingual na serbisyong ito.Ito ay dahil sa napakasigla at propesyonal na pangkat.Tatlong miyembro ng pangkat ang nakapagsasalita ng English, dalawa ang nakapagsasalita ng Mandarin at isa, si Parashqevi Capo, ay mula sa Albania.Bukod pa sa mga turista, madalas na bumibisita sa opisina ang mga buong komunidad.Dahil nawala na ang balakid dulot ng wika, maraming nangyayaring magagandang sandali.
Powdered milk para sa mga sanggol (na napakamahal sa China) o kabaong na ipadadala sa Afghanistan: marami at iba-iba ang mga hinihinging serbisyo.May isang nakababatang Israeli na mang-aawit, na nagpakita ng kanyang pasasalamat sa pagreregalo ng kanyang album sa isang empleyado at paglaon ay nalaman naming isa pala siyang celebrity.Panghuli, minsan ay naimbitahan ang lahat ng tauhan sa isang kasalan sa Pakistan.Gayunpaman, pinili nilang kumain sa labas para tikman ang maanghang na etnikong pagkain.Maraming nakakatawang pangyayaring may kinalaman sa iba't ibang kultura ang naaalala ni Mario Binetti, isang tauhan sa post office sa araw at deejay naman sa gabi.“Halimbawa, isang umaga napuno ang Post Office ng maraming babaeng nakasuot ng mga niqab.Matapos ang ilang sandali ng pagkaasiwa, nagka-interes kaming matuto tungkol sa mga pagkakaiba ng aming kultura: hindi porke't naka-abito ka ay monghe ka na.”