Poste People

MGA TAO SA POSTE

Pakikibagay sa isang nagbabagong bansa

Ang Italy ay lalong nagiging digital at multietniko. Ito ay isang bansa kung saan ang populasyon ng mga banyaga ay lumampas na sa 5 milyon at kung saan malapit nang palitan ng mga smartphone ang lahat ng iba pang telepono.Layunin ng Poste Italiane na samahan ang bansa habang nagaganap ang mga malawakang pagbabagong ito. May mahigit sa 13,000 aktibong opisina na sumasaklaw sa kahabaan ng peninsula, 143,000 empleyado at nakakalulang 33 milyong kostumer, isang lumalaking porsiyentong kumakatawan sa panlipunang ugnayan ng bagong komunidad ng mga Italian na nagmumula sa bawat sulok ng mundo.

Upang malampasan ang mga hamon sa pagsasama, nagbukas ang Poste Italiane ng mga espesyalidaong tanggapan na nag-aalok ng bagong serbisyong pinasadya para sa mga ‘bagong Italian’.Nakakapagsalita ang mga empleyado mula sa mga ibang bansa ng mga pinaka-karaniwang wika ng mga komunidad ng imigrante sa kabuuan ng peninsula, mula sa Tagalog hanggang sa Chinese, dagdag pa sa mga pangunahing wika ng Europe tulad ng English, French at Spanish.Ang tagumpay ng inisyatibo, na inilunsad sa unang pagkakataon sa Roma sa Via Marsala branch sa likuran lamang ng Termini Station, ay napakatagumpay kung kaya nahikayat ang Poste Italiane na magbukas ng mga multilingual branch sa marami pang ibang lungsod.Ilan lamang sa mga lungsod na ito ang Turin, Palermo, Padua, Lecce, Genoa, Milan, Florence at Naples. Hindi nagtagal bago tumugon ang mga kostumer.Ngayon ay mayroon nang 2.2 milyong kliyenteng nagmula sa mga ibang bansa na may mga loan, BancoPosta o mga savings account, o Postepay card.

Gayunpaman lampas ng mga numero, ang mga multi-ethnic Post Office ay naging sanggunian na ngayon ng mga nangangailangan ng suporta sa pagharap sa red tape sa isang bansa kung saan ang mga mamamayan ay hindi nakapagsasalita ng mga banyagang wika.Ang mga kuwento ng buhay na nakolekta para sa publikasyong ito ay kumakatawan lamang sa kaunting testimonya ng proseso ng integrasyon, kung saan naging aktibong bahagi ang Poste Italiane.Isang proseso na ang pokus ay isang tugon sa mga pangangailangan ng nagiging malawak at produktibong ‘bagong Italy’.

Listahan

  • EDITORYAL
  • POSTE PEOPLE
  • ROMA PIAZZA DANTE
    Postaprotezione DalMondo
  • MILAN VIA CORDUSIO
    Mga kahilingan at pagre-renew ng permanent residency
  • MILAN VIA LOMAZZO
  • NAPLES VIA MATTEOTTI
    Paano magpapadala ng mga parcel sa ibang bansa
  • TURIN CORSO GIULIO CESARE
    Postafuturo MultiUtile
  • GENOA PIAZZA CAVOUR
    Madali ang magpadala at tumanggap ng pera
  • POSTER NG GLOBO
  • FLORENZE VIA ALAMANNI
    Postepay Evolution
  • PRATO VIA BORGIOLI
    BancoPostaImpresa Online – BPIOL
  • PALERMO VIA ROCCO PIRRI
    Paano magpapadala ng sulat sa ibang bansa
  • BARI VIA QUARNARO
    PosteMobile
  • PADUA VIA TIZIANO ASPETTI
    Poste WiFi
  • MODENA VIA CANALETTO
    Home delivery
  • MGA KONSYUMER

© Poste Italiane. All rights reserved. Design: 9colonne.it.