Paano magpapadala ng sulat sa ibang bansa

Sa International Postamail posibleng magpadala ng mga sulat at dokumento na hanggang 2 kg sa lahat ng sulok ng mundo.

Economy service. Sa International Postamail posibleng magpadala ng mga sulat at dokumento na hanggang 2 kg sa lahat ng sulok ng mundo.

Garantisado ang delivery na nangangailangan ng pirma ng tagatanggap.

Ang International Priority Mail ay idine-deliver mismo sa mga address o sa isang awtorisadong tao.Puwede ring magpadala ng mga sulat, dokumento, maliliit na bagay, libro at sample na hanggang 2 kg kung walang commercial value.Kung kailangan ang nalagdaan at napetsang katibayan ng delivery, puwedeng magdagdag ng abiso tungkol sa pagdating.

Insurance. Sa International Insured Mail, puwedeng magpadala ng mga bagay na may malaki-laking halaga, pera, mga tseke, stocks, samples at libro hanggang 2 kg, sa mga bansa na kumikilala sa mga karapatan sa insurance.Kung kailangan ang nalagdaan at napetsang katibayan ng delivery, puwedeng magdagdag ng abiso tungkol sa pagdating.

Bilis, seguridad at kainaman. Sa Telegramma puwedeng magpadala ng mga mensahe na nag-aanunsiyo ng mga espesyal na kaganapan, mga notipikasyon para sa pagbebenta at negosyo na may legal value. Para sa mga internasyonal na Telegram, express ang pag-deliver at isinasagawa sa paraang inirerekomenda ng destinasyong bansa. Puwedeng magpadala ng Telegram sa pamamagitan ng telepono sa pagtawag sa 186, ng koreo o ng Internet.