TURIN CORSO GIULIO CESARE
Kapag ang pag-uusap ay nangangahulugang pagtitiwala
Isang lalaking taga-Asia ang nagtutulak ng karitong puno ng mga kahon, isang babae na may hijab at patungo ang kanyang anak sa mga nagtitinda ng prutas.Dalawang kabataang lalaking African ang nagbabatian bago tumuloy sa kani-kanilang lakad.Ito ang araw-araw na makulay na realidad ng Porta Palazzo, isang lugar na may kasaysayan ng pagiging bukas sa mga banyaga.Magmula pa noong ika-19 siglo, nagkaroon na ang Turin ng mahabang kasaysayan ng pagtanggap sa mga imigranteng banyaga at mga Southern Italian na pumupunta sa Turin at naghahanap ng mas magagandang oportunidad.Kamakailan lang, noong dekada 1990, karamihan ng migrante sa Turin ay nagmula sa North Africa, South America at Eastern Europe. Ngayon, kilala ang Porta Palazzo bilang pinakamalaking panlabas na pamilihan sa Europe, kung saan naninirahan ang mga taong mula Morocco, Tunisia, Romania, Albania, Nigeria, Ivory Coast at China.Kapag titingnan ang lokal na ugnayan ng mga tao, mahusay na naitatag ng Poste Italiane ang Multilingual Project nito sa Corso Giulio Cesare, 7.Ang branch na ito ay may apat na tauhang nakapagsasalita ng Arabic, Spanish, French, English at Italian.
Ang mga pananda ay nasa iba't ibang wika, may awtomatikong makina na naglilista ng mga produkto sa bawat wika at isang nakalaang consultation room para pag-aralang mabuti ang bawat isa.Ayon sa paliwanag ng manager na si Francesco Pace, “sinimulan namin kaagad ang Multilingual Project matapos ang aming restructuring noong Marso.Mabilis at maganda ang tugon, salamat sa mga nagbalita tungkol dito.Malaking bagay sa aming tagumpay na may kaherang madaling makausap, na makapagpapaliwanag sa proseso at makasasagot sa anumang mga tanong.Walumpung porsiyento ng aming mga kliyente ay taga-Tunisia at Morrocco, na sinusundan ng mga taga-Nigeria, South America at Italia mula sa karaniwang 200 kostumer bawat araw.Lahat sila'y naghahanap ng iba't ibang serbisyo:“Karaniwang nakatakda ang mga prepaid card upang madaling ma-access ng mga kamag-anak ang account.Popular rin ang mga serbisyo sa telepono at ibinagay namin ang mga solusyon upang matugunan ang mga pangangailangang hayagang sinasabi sa amin.Siyempre, tinutulungan rin namin ang mga kostumer sa mga papeles para sa mga permanent residency permit.Dahil sa mga serbisyong ito at sa kumpiyansa ng aming mga kostomer sa amin, nakakatuwang makita na marami sa kanila ang nagbubukas ng kanilang mga checking at savings account dito. Inaalok rin namin sila ng aming DalMondo insurance plan, na nagpapahintulot sa mga kamag-anak ng aming mga kostumer na magbiyahe sa Turin at sasagutin ng Poste Italiane ang mga gastos kung sakaling maospital o magkasakit ang aming mga kostumer.” Siyempre, mayroon ding mga pribadong negosyong pag-aari ng mga taong mula sa ibang bansa na may napakatiyak na kinakailangan.Para sa kanila, mayroon ding mga ad hoc na solusyon.Panghuli, “pinag-iisipan naming magkaroon ng multilingual operator sa waiting room.Sa ngayon, ipino-promote ng aming mga hostess mula sa iba't ibang bansa ang aming mga serbisyo sa labas ng aming main entrance.”Kung minsan ang kailangan lang upang makipag-usap, at simulan ang isang ugnayan at tiwala ay isang hola, o bonjour, o salam o kumusta.