BancoPostaImpresa Online – BPIOL

Ang BancoPostaImpresa Online, BPIOL, ay isang remote banking service na nakalaan sa mga propesyonal, hindi pinagkakakitaan at pampublikong aktibidad.

Ito ay isang kumpletong serbisyo na nag-aalok ng BancoPosta, nag-eendorse ng mga tseke, mga bank transfer, mga online post office cheque, mga ulat sa paggastos at mga Postepay top-up.Sa BPIOL, mayroon ding mga istandard na serbisyo sa Intra-bank Corporate Banking tulad ng mga wire transfer, mga F24, mga report sa balanse at transfer, stock at investment portfolio at marami pa.

Ang BPIOL Multi ay isang magandang opsyon para sa mga gustong pangasiwaan ang kanilang account sa mga iba pang institusyon, pag-aayos ng mga pagbabayad at mga inflow sa multi-bank mode sa pamamagitan ng CBI circuit - dagdag pa sa tungkulin ng BPIOL Mono na pagbibigay ng impormasyon at pag-iisyu.

Nag-aalok ang BancoPostaImpresa Online ng mga multiuser at multi-institutional na serbisyo. Ang mga multiple user na nakakonekta sa isang institusyon ay maaaring gumawa ng mga partikular na function para sa mga partikular na account gamit ang BPIOL.Bukod rito, sa pamamagitan ng pag-activate sa tampok na Holding/Subholding, magagawang i-access at kontrolin ng mga kostumer ang ilang operation, kabilang ang mga account ng mga ibang kompanya na nakakonekta sa pamamagitan ng isang corporate bond, lahat sa iisang lugar.

Bukod pa riyan, pinahihintulutan nito ang ligtas na pangangasiwa ng mga account dahil sa mas matataas na pamantayan ng seguridad.Maaaring gamitin ang BPIOL USB upang i-access ang isang account.Naglalaman ito ng smart-card na nagtataglay ng digital signature ng may-ari. Kailangan ang PIN number para i-validate ang mga transaksiyon, na naggagarantiya sa mataas na istandard ng seguridad at para makilala ang user.