ROME PIAZZA DANTE
Lahat ng wika ay patungo sa Roma
Ang Piazza Vittorio Emanuele ay ang multikultural na sentro ng Roma, mamasyal lamang doon at maiintindihan mo kung ano ito.Naka-display sa mga bintana ng mga tindahan ang mga produkto kapwa sa Bengali at Italian, at kung may magbibigay sa iyo ng polyeto, malamang na ito ay nakasulat sa Turkmen o sa Persian.Dito makakabasa ka ng diyaryong Chinese, na inilimbag sa kalapitbahayan lamang at maraming bumabasa, at kung gusto mong sumubok ng mga etnikong pagkain may mga menu mula sa buong mundo.Kahit noong dekada setenta itong makasaysayang kalapitbahayan (pinangalanang Esquilino mula sa Equites, ang mas mababa sa dalawang aristokratang antas ng sinaunang Roma) ang pangunahing daanan ng daloy ng mga migrante dahil malapit ito sa Termini station.Magmula pa noong dekada nobenta, dumami na ang mga naninirahan dahil sa iba't ibang komunidad na naging mahalagang bahagi na ng panlipunan at pang-ekonomiyang ugnayan ng mga tao; dala nila ang pamilihan na may lalo pang dumaraming etnikong pagkain na dati'y makikita sa mga hardin ng liwasan at ngayon ay nasa loob na ng mga gusali.Noong 2012, sa 130,000 na mga residente ng lugar, mahigit 45,000 ang dumating mula sa mga ibang bansa.
Ang mga komunidad na may pinakamaraming bilang sa kalapitbahayan ay mga Bengali, Romanian, Chinese at Filipino.Marami ring mga imigrante mula sa Eritrea, Somali at Afghanistan.Dahil dito madaling makita kung bakit may biglaang pagdami ng mga bagong kawikaan sa Piazza Dante, inilaan ang kalapit na liwasan sa ama ng wikang Italian, kung saan ngayon makikita ang isang Post Office.Ito ay lugar na naging kumpulan na ng mga produktibong eksena dito sa ‘bagong Italya’.Mga eksena na madalas na nahaharap sa balakid ng hindi perpektong kaalaman sa wikang Italan.“Upang malampasan ang balakid na ito, madalas kaming gumagawa ng higit pa sa pagtulong sa kanilang pagbabayad ng postal order,” sabi ng nakangitingsi Ralph V. D. Abe, 30 taong gulang.Si Abe ay empleyado ng isang Post Office at tubong Pilipinas.“Sa isang sandali, isa sa amin ang kailangang magbigay ng payo sa kanyang kapwa mamamayan para sa residency permit, madalas na ibinabahagi namin ang aming sariling karanasan”.Sa katunayan, hindi lamang si Ralph ang tanging empleyado sa opisinang ito na ipinanganak sa ibang bansa.“Habang ginagawa ang isang postal order o iba pang gawain kasama ang isa sa maraming miyembro ng lokal na komunidad ng mga Chinese, madalas na napupunta ang usapan sa mga araw-araw na pangangailangan, lalo na sa mga hindi ko kasing-Italian,” pagkukumpirma ng Chinese na kasamahan ni Abe na si Dan Wu, 31.
“Malaking tulong ang magkaroon ng mga kasamahan sa trabahong mula sa ibang bansa,” sabi ng deputy manager na si Silvia Curia, 33, na ipinanganak sa Roma.“Ang makibagay sa mga pagkakaiba ng kultura, tulad ng ginagawa namin sa aming Post Office, ay nakakatulong sa amin na makisama at isa itong paghikayat upang maging bukas ang aming isipan.Napakahalaga na ang mga kliyente na hindi gaanong magaling o hindi talaga nakapagsasalita ng Italian ay may makausap na isang tao sa tanggapan na nakapagsasalita sa kanilang wika.Mahalaga rin ang aspetong ito dahil bawat kultura ay may ibang paraan sa paghawak ng mga partikular na sitwasyon.”“Sa maraming kaso, kailangang may pagtitiwala,” pagpapaliwanag naman ni Irenea Lascano, 39, na nagmula sa Pilipinas.“Halimbawa, may isang babae mula sa aking bansa ang palaging naririto dahil nakakausap niya kami sa kanyang tinubuang wika.Minsan, nag-uusap kami tungkol sa insurance policy na iniaalok ng Poste Italiane sa mga taong mula sa ibang bansa at bigla niyang sinabi sa akin na inalok siya ng ilang empleyado ng ibang Post Office ng pareho ding policy.Ngunit hindi niya naintindihan kung ano ito dahil sa pagkakaiba ng wika at dahil ayaw niyang lumabas na parang walang respeto, hindi na siya nagtanong pa tungkol dito.Dahil sa amin, ngayon ay nagpatala na siya para sa policy, na gusto ngayon ng marami sa komunidad ng mga Pilipino.”“Mas gusto ng komunidad ng mga Chinese ang mga serbisyo tulad ng Postepay at MoneyGram,” sabi ni Dan Wu.Isang malaking problema sa mga hindi bihasa sa Italian kung paano sasagutan ang mga form, at kailangan ang aming nagpapatuloy na tulong sa bagay na ito.”Hindi puwede ang burukratikong paghihigpit.“Totoo 'yan,” sabi ni Ralph, “kung ilalarawan ko ang lugar na ito sa isang salita lamang, sasabihin kong ‘komportable’.”“Sasabihin kong makulay,” dagdag naman ni Irenea.“Huwag kalilimutan ang dinamiko,” dagdag rin ni Dan.