NAPLES PIAZZA MATTEOTTI
Isang produktong pinasadya para sa bawat indibidwal
Noon pa man, ang Naples ay isang multikultural nang lungsod.Maraming sibilisasyon ang dumating at lumisan: ang mga Greek, Roman, Austrian, French, Spanish at noong 70 taon lang sa nakaraan, ang mga Amerikano.Hindi kailanman tinalikuran ng Naples ang mga komunidad ng migrante na naghahanap ng tulong at mga pagkakataon.At upang patunayan ito, binuksan ng lungsod ang una nitong multikultural na Post Office isa't kalahating taon na ang nakalipas – ‘Napoli 83’ - sa Piazza Matteotti, na malapit lamang sa via Toledo at Court of Law, sa sentro ng lungsod.
Ang Naples na ang isa sa mga pangunahing destinasyon ng mga imigranteng mula sa Sri-Lanka na ang mga pamilya at kabataan ay bumubuo sa karamihan ng kliyente ng Post Office, tulad ng nina Sanjukan at Kasun, kapwa 20-taon, na dalawang buwan at anim na buwan nang nakatira sa Naples, ayon sa pagkakasunod-sunod.Nakuha na ni Kasun ang kanyang permanent residency permit, pamilyar siya sa wikang Italian at sinamahan niya ang kanyang kaibigang mag-apply din para sa kanyang permit.Ayon kay Kasun, si Sanjukan “ay dalawang buwan nang naririto at may trabaho na siya bilang kitchen porter.Narito ako kasama ko ang aking pamilya.”Ayon kay Rosanna, isang empleyado ng Post Office na nakapagsasalita ng English-Spanish at French, “sa kalahatan ay nagpupunta ang mga taga-Sri-Lanka at taga-India para magparehistro, kumuha ng mga permanent residency permit at mga mobile SIM card na pantawag doon sa kanila.Dinaragdagan ng mga kostumer na nakapagsasalita ng Spanish at French ang kanilang Postepay at bumibili ng mga postal money order.Marami ring propesor ng unibersidad na taga-Canada.”Nakakatuwa dahil sabi ni Rosanna “madalas na bumibili ang mga kostumer ng Francophone ng mga selyo para sa mga koleksyon nila.”
Malaki ang pagkakaiba sa mga hinihinging serbisyo, halimbawa, mas popular ang MoneyGram sa mga taga-Eastern Europe kaysa sa iba pang komunidad ng ‘bagong Italian.’Ayon kay Irina, mula sa Ukraine, “Napakaraming gustong gumamit ng serbisyo na Poste SIM Mobile.Hindi bababa sa 10-15 katao kada araw na mula sa mga bansa na dating Soviet ang pumupunta para sa mga murang SIM card.”“Ang sikreto sa pagpapatakbo ng ganitong lugar ay ang magtatag at panatilihin ang mga ugnayan at tiwala sa pagitan ng mga kostumer at empleyado,” pagpapaliwanag ni Iwona na nakapagsasalita ng Polish.“Pumupunta dito ang mga tao at napapalagay sila kapag nakapagsasalita sila sa kanilang tinubuang wika.Kung iisipin mo, talaga namang bahagi ito ng aming trabaho.”Para sa mga komunidad na Polish at Romanian na bumubuo sa 7% ng komunidad ng imigrante sa Naples, mas madali ang mga bagay-bagay kapag hindi kailangang mag-apply para sa permanent residency. “Pumupunta sila dito para sa regular na serbisyo ng koreo at para magbukas at pangasiwaan ang kanilang mga account o rehistrasyon.”