Mga kahilingan at pagre-renew ng permanent residency

Ang isang mamamayan mula sa bansa sa labas ng EU ay maaaring humingi o mag-renew ng kanilang permanent residency sa pamamagitan ng pagsagot sa isang form ng aplikasyong makukuha sa mga Post Office.

  • Kailangan ding magdala ang aplikante ng pasaporte o katumbas na dokumento
  • Isang resibo ng €27.50 na bayad (para sa pagpi-print ng elektronikong permanent residency permit)
  • Isang A4 na kopya ng pagkakakilanlan
  • Isang A4 na kopya ng lahat ng kinakailangang dokumentasyon

Pagkahatid sa kinakailangang dokumentasyon, makakatanggap ang aplikante ng sulat na naglalaman ng oras, petsa at lokasyon ng appointment para sa mga sumusunod na hakbang na isasagawa sa departamento ng pulisya.Kailangang maihatid ang paper kit sa isang nakabukas na sobre sa ‘Sportello Amico’ sa Post Office.

Kung ang isang tao ay nagre-renew ng kanilang permanent residency permit, isang kopya ng nag-expire na permit ang kailangan ding isama at hihingin sa kanila na ipakita ang kanilang pagkakakilanlan (pasaporte).Ang sulat na naglalaman ng oras, petsa at lokasyon ng follow-up appointment para sa biometrics ay ipadadala ng Post Office.Ang isang buod ng impormasyon at kinakailangang dokumentasyon ay ipadadala rin sa pamamagitan ng SMS.