Madali ang magpadala at tumanggap ng pera

Iniaalok ng Poste Italiane ang posibilidad na maramdamang mas malapit ka sa iyong bansa o pamilya.

Pinahihintulutan ka ng MoneyGram na magpadala at tumanggap ng pera sa ilang minuto lamang sa mahigit 200 bansa sa buong mundo.Para sa ilang bansa, magagamit ang opsyon na ‘Ore 7’: ang perang ipinadala ngayon ay makukuha nang kasing-aga ng 7 am (lokal na oras) sa susunod na araw.

Ang pinakamalaking halagang puwedeng ipadala ay €999.99 kada transaksiyon at ang halagang ipadadala at ang kaukulang bayad ay maaaring bayaran ng cash o mga card na inisyu ng Poste Italiane.

Pinahihintulutan ka ng Eurogiro na magpadala at tumanggap ng pera sa loob ng 3 o 4 na araw tungo at mula sa ibang bansa, at hindi kailangang maging account holder.Ang perang ipinadadala sa ibang bansa ay nakukuha nang cash o idedeposito sa bank account ng benepisyaryo depende sa destinasyong bansa.

Pinahihintulutan ka ng Vaglia internazionale na magpadala at tumanggap ng pera sa loob ng 7 o 8 araw tungo at mula sa ibang bansa, ang international postal money order mula sa ibang bansa ay maaaring bayaran sa nakasaad na Post Office ngunit maaaring ideposito sa ibang branch.