PADOVA VIA TIZIANO ASPETTI
Limampung taong paglilingkod sa mga banyagang mamamayan
Si Nkou Luc Dieudonne, 27-taong-gulang mula sa Cameroon, ay isang estudyante sa Computer Science:“Narito ako dahil sa Study Visa na nakaugnay sa isang international cooperative project na dahilan ng pagtira ko noon sa Ancona at ngayon ay sa Padua.Sa tingin ko ay mas mainit sa pagtanggap ng ibang tao ang mga Italian kaysa sa mga bansa sa Northern Europe, at kinukumpirma ito ng Post Office branch na ito.May nakasalamuha na akong napakahuhusay na mga tao na nakapagsasalita rin ng aking wika – at hindi ito maliit na bagay lang.”Marami pang ibang tao ang sumasang-ayon kay Luc pagdating sa Via Tiziano Aspetti branch sa Arcella, Padua kung saan may mga nagtatrabahong dual national na nakapagsasalita ng Italian, Arabic, French, Albanese o English.Sa pasukan, pinapupunta ang mga kostumer sa mga desk clerk na nakapagsasalita ng kanilang wika at hindi nakakagulat na 50% ng mga kliyente ay banyaga.
Sa kalye ring iyon, sa nakalipas na 50 taon, mayroon nang matagal na tradisyon ang ‘Padua 7’ branch na tumulong sa mga hindi nakapagsasalita ng Italian sa mga bagay kaugnay sa burukrasya, habang nagbabago ang demograpiko ng mga taong nakatira sa paligid ng opisina.Ayon sa direktor na si Maurizio Contin, “50% ng aming mga kostumer ngayon ay mga matatanda na at ang nalalabing 50% naman ay mga banyaga.”Karamihan ng mga banyaga ay mula sa Eastern Europe at Africa pati na rin sa Asia (pangunahin mula sa China at Bangladesh) at may maliit na porsiyento ang mula sa mga America.“Sa ilang pagkakataon, personal kong tinulungan ang mga kostumer sa pagsagot sa mga nakalilitong form noong hindi pa nila nakabisado ang wikang Italian.At ang tugon ay palaging pasasalamat.Madaling makalimutan ng mga Italian na bagama't hindi namin masyadong binibigyan ng kahalagahan ang mga ibang kultura at kaugalian, pinipili ng mga imigrante na gawin ang mga tradisyong Italian.Ang Post Office branch na ito ay isang tulay sa pagitan ng mga kultura.”Si Mohamed, 33, na mula sa Senegal ay 12 taon nang nagtatrabaho sa Italy bilang porter at nakatira sa Arcella, kung siya nagbukas ng account.“Pumunta ako dito upang i-renew ang aking permanent residency permit nang ilang beses at ngayon ay puwede ko nang ibahagi ang aking kaalaman sa mga kaibigan at katrabaho ko.Nakakatulong kapag nakapagsasalita ka ng French lalo na para sa mga kamakailan lang dumating sa Italy.Nagpapasalamat ang mga kaibigan ko para dito, kung kaya nagbukas na rin sila ng account dito.”