Poste People

MGA SAMAHAN NG MGA KONSYUMER

Ang mga taong pumoprotekta sa iyong mga kapakanan sa abot ng kanilang makakaya

Ang mga samahan ng mga konsyumer ay mga pribado at boluntaryong grupo ng mga mamamayan na naghahangad na pahusayin, sa pamamagitan ng kanilang mga aksyon, ang pangkalahatang kondisyon ng mga kontrata para sa pagbili at paggamit ng mga bagay at serbisyo, paghambingin ang mga presyo at gastos, at protektahan ang mga karapatan ng konsyumer at user, kahit sa pamamagitan ng litigasyon.

May isang dosenang grupo ng konsyumer ang nagpapatakbo sa Italy ngunit tanging 20 sa mga ito ang kinilala sa pambansang lebel ng Ministry of Economic Development batay sa kanilang mga hinihingi.

Ang mga samahang ito, na may kani-kaniyang mga miyembro, ay bahagi ng National Council of Consumers and Users (CNCU), isang entidad na pinamumunuan ng Minister of Economic Development na nagbibigay ng payo o nagpapaliwanag o nagpapahayag ng mga pananaw nito sa mga desisyon ng pamahalaan hinggil sa mga karapatan ng konsyumer.Nag-aambag rin ito sa pagpapahusay at pagpapatibay sa posisyon ng mga konsyumer sa pamilihan.

Ang mga samahan ng konsyumer ay may mga pambansang himpilan at may maraming sangay upang maging malapit sa mga konsyumer sa lahat ng malalaking lungsod sa Italy.Sakop ng kanilang trabaho ang maraming sektor ng ekonomiya, kapwa para sa indibidwal na konsyumer (upang bigyang-impormasyon o lutasin ang mga problema ng isang mamamayan), at para sa pamahalaan at mga pampubliko at pribadong negosyo (upang lutasin ang mga problemang nakakaapekto sa mga konsyumer sa kalahatan).

Ang pinakamahalagang trabaho nila ay:

  • magbigay ng tulong at proteksiyon (kasama ang legal) sa kanilang mga user o konsyumer na nauugnay sa kanila na nahihirapan sa pag-alam, pag-intindi at paggamit sa kanilang mga karapatan;
  • magbigay ng impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa mga pang-lehislatibo at pang-sosyo-ekonomik na pagbabagong nakakaapekto sa kanila, at upang sanayin ang mga konsyumer na nauugnay sa kanila para mabatid nila ang kanilang mga karapatan;
  • katawanin ang pangkalahatang interes ng mga konsyumer at user sa harap ng Parliament, Pamahalaan, mga pampublikong awtoridad at kompanya, kapwa sa publiko at pribado, na nagbebenta ng mga bagay o nagkakaloob ng mga pampublikong serbisyo.

Sa mga available na kompanya, nagsisimula rin ang mga samahan ng konsyumer ng mga permanenteng working group upang tugunan at lutasin ang mga problemang nakakaapekto sa kanilang mga kostumer sa kalahatan at na maaaring magdulot ng mga lumalaking pagtatalo.

Nakatuon ang mga samahan ng konsyumer sa kanilang aksyon kahit batay sa mga ulat mula sa kanilang mga kasamahan na sumusulat sa kanila o nagdudulog ng isang isyu sa kanilang mga opisina.Ang proteksiyon ng mga karapatan ay binubuo ng pagbibigay ng legal na tulong sa kanilang mga opisina, sa pagsuporta sa kanilang mga kasamahan sa pagdudulog ng mga reklamo, at pagtayo bilang kinatawan ng mga konsyumer sa mga areglo o sa harap ng mga ahensiyang tagapagpatupad ng Regulasyon.

Isa pa, mahalaga ang mga gawaing pamimigay ng impormasyon.Nagaganap ang mga ito sa pamamagitan ng mga partikular na kampanyang pamamahagi ng impormasyon na ginagawa sa mga kalye, pamilihan at mga branch sa pamamagitan ng pagsali sa mga broadcast sa radyo at telebisyon, sa kanilang mga website, sa paglalathala ng mga patnubay, brochure, newsletter at magasin, at, sa mga artikulong inilalathala sa mga diyaryo at magasin.

Listahan

  • EDITORYAL
  • POSTE PEOPLE
  • ROMA PIAZZA DANTE
    Postaprotezione DalMondo
  • MILAN VIA CORDUSIO
    Mga kahilingan at pagre-renew ng permanent residency
  • MILAN VIA LOMAZZO
  • NAPLES VIA MATTEOTTI
    Paano magpapadala ng mga parcel sa ibang bansa
  • TURIN CORSO GIULIO CESARE
    Postafuturo MultiUtile
  • GENOA PIAZZA CAVOUR
    Madali ang magpadala at tumanggap ng pera
  • POSTER NG GLOBO
  • FLORENZE VIA ALAMANNI
    Postepay Evolution
  • PRATO VIA BORGIOLI
    BancoPostaImpresa Online – BPIOL
  • PALERMO VIA ROCCO PIRRI
    Paano magpapadala ng sulat sa ibang bansa
  • BARI VIA QUARNARO
    PosteMobile
  • PADUA VIA TIZIANO ASPETTI
    Poste WiFi
  • MODENA VIA CANALETTO
    Home delivery
  • MGA KONSYUMER

© Poste Italiane. All rights reserved. Design: 9colonne.it.