MILAN VIA LOMAZZO
Isa sa apat na kliyente ay banyaga
Sa gitna ng Chinatown ng Milan, sa via Paolo Lomazzo, 25, na napapaligiran ng mga tindahan ng damit, sapatos at aksesorya, may bagong multilingual Post Office. Pumipili ang mga kostumer para mag-file ng permanent residency, magpadala ng pera sa China o magpadala ng powdered milk o damit, tulad ng sinasabi ng 27-pitong taon gulang na si Yanyan Wu mula sa Alexandria.Nag-aral si Wu ng Economics at Marketing sa Genoa at, kasama ang kanyang katrabaho na si Yanwen, regular siyang tumatanggap ng mga kostumer na Chinese. “Marami ang bumabalik at hinahanap ako.Hindi ko ikakagulat kung balang araw ay imbitahan nila ako sa kasal.”Ang mga bumibisita sa Post Office ay malamang na nakatira sa lugar, sa kalapitbahayan kung saan nakararami ang Chinese Sarpi.
Ang Post Office sa Lomazzo kung saan maraming etniko, ang unang nagbukas sa Lombardy noong Hulyo, 2015, ang kumpulan ng mga Chinese na naninirahan sa Milan.Kasama ito sa ilalim ng proyekto para suportahan ang integrasyon ng mga imigranteng Chinese.Binibigyang-diin ng Manager na si Giuseppe Consoli na “may humigit-kumulang 400 operation kada araw.Sa karaniwan mayroon kaming 100 kliyenteng banyaga, at karamihan sa kanila'y Chinese.Ginagawa namin ang aming makakaya upang mapangasiwaan ng isang kumplikadong sitwasyon.Umaasa ang mga tao sa aming mga empleyado sila man ay mga Italian o banyaga.”
“Hindi ako nahirapan,” sabi ni Lina Hu, na kamakailan lang nagbayad ng citizenship fee sa tulong ni Yanyan.Si Lina ay ipinanganak sa Milan at kamakailan lang naging 18 taon at nagtatrabaho sa isang bar sa malapit.“Gusto ko dito; ginagamit ng aking buong pamilya ang Post Office na ito.”Hindi lamang ito naglilingkod sa komunidad ng mga Chinese.Sabi ni Ivan, isang 20-taong-gulang na tubong Sri Lanka, “bago lang ako dito.Kailangan kong i-activate ang aking PosteMobile SIM, sila ang may pinakamurang presyo.Sinabi ng nanay ko na pumunta ako dito.”