MODENA VIA CANALETTO
Ang ibig sabihin ng A ay Arabic at ang F ay para sa friendliness o pagiging palakaibigan
Ibinibigay nila ang kanilang mga mahahalagang papeles na nakabalot sa mga sobre o kahon, sa mga mapagkakatiwalaang tao na hindi na mga estranghero dahil nakapagsasalita sila sa kanilang wika.Sa Via Canaletto Post Office sa Modena, ang ibig sabihin ng A button ay Arabic at sinasabi sa mga kliyente na pumunta sa mga counter kung saan nagtatrabaho sina Houssam, Palma at Amaranta.Tatlo lamang sila sa labing-anim na tauhan ng Post Office na napili upang padaliin ang pakikipag-usap sa mga banyaga at malampasan ang mga balakid na dulot ng wika sa mga sektor kung saan kailangan ang sipag at katiyakan.
Sa likod ng Modena Train Station, sa kabilang panig ng mga riles, may masiglang komunidad ng mga taong mula sa Ghana at iba't ibang Arabong bansa.Batay sa paglalarawan ni Paola Camellini, ang manager ng branch na ito, itinatag ito 50 taon na ang nakararaan at ngayon ay kumpulan na at isang halimbawa ng urban regeneration:“Hindi lang nagkataon na ang aming multi-ethnic project ay itinatag dito. Hindi malayo mula dito, mayroon ding isang istraktura para tulungan ang mga refugee at para sa marami sinisimbolo ng lugar na ito ang malinis na pagsisimula ng bagong buhay.Araw-araw, sinusuportahan namin ang aming mga kliyente sa mga pagrerehistro para sa mga permanent residency permit, mga paghingi ng mga prepaid card, mga unemployment record, at mga money transfer.Madaling nakukuha ng magagaling naming nakababatang empleyado na nakapagsasalita ng Arabic, English at French ang tiwala ng aming mga kostumer, at nagtatrabaho na sila sa amin simula noong inilunsad ang Sportello Amico. Natatandaan ko pa noong may isang migrante mula Libya na iniligtas ng ‘Mare Nostrum’ mission ang nagpunta dito na may hawak na dilaw na damit, na karaniwan sa kanyang bansa, upang ipamigay ito bilang pasasalamat sa isa sa aming mga empleyado na tumulong sa kanyang ayusin ang kanyang mga papeles para magbukas ng savings account.”
Kinukumpirma rin ni Joseph ang praktikalidad ng multilingual na mga serbisyo:“Nakatira ako sa taas lang ng opisinang ito.Dito maaari akong magpadala ng pera sa aking pamilya sa Africa, kung saan may dalawa akong anak.”Siya na ang susunod sa pila at pupunta siya kay Amaranta, at mag-uusap sila sa English.Samantala, may papasok na tatlong kabataang Bangladeshi na isang buwan pa lang na nasa Italy.Kukuha ng selfie si Sahid, ang hindi mahiyain sa kanila, sa waiting room at ibabahagi ito sa kanyang mga kaibigan sa ibang panig ng mundo para ipakita ang kanyang bagong buhay sa Italy:“Wala akong mga kapatid o kamag-anak; nagpunta ako dito dahil sinabi sa akin ng mga tao na sa bansang ito may matatagpuan kaming kaligayahan.Ito ang unang pagkakataong makikipag-usap ako sa isang tao ngayon, dahil mahirap maghanap ng mga taong nakapagsasalita ng English.”Nag-oobserba naman ang kanyang dalawang kasama, nang hindi gaanong umiimik, pangiti-ngiti lang at ikinukubli ang kanilang takot na magbasa, magsulat at pumirma ng mga misteryosong dokumento.Para mapalagay ang loob nila, kinakausap sila ni Palma mula sa kabilang panig at sinasabing “Huwag kayong mag-alala.Kami ang bahala sa mga ito.”