FIRENZE VIA ALAMANNI
Kalapitan at pagsasama, ang Post Office ay binubuo ng mga tao
Ang mga istasyon ng tren sa malaking lungsod ay madalas na walang karakter na mga lugar ng modernidad.Ang mga ito ay mga lugar kung saan natatabunan ang pagkakakilanlan ng isang tao dahil sa mga tatak ng produkto sa mga tindahan at kainan.Gayunpaman, sa istasyon ng tren sa Santa Maria Novella sa Florence, ang Via Luigi Alamanni Post Office ay isang espesyal na lugar kung saan tumitigil ang ating napakaabalang mundo, nawawala ang pagkakapare-pareho at kawalan ng pagkakakilanlan, at nailalabas ang makataong parte ng buhay. Dagdag sa Italian, English, French, Spanish, Portuguese at Arabic ang madalas na ginagamit dito ng apat na multilingual na empleyado.
“85% ng mga kostumer ay mga banyaga na nagpapakalat sa lokasyon ng partikular na branch na ito sa pamamagitan ng pagbabalita,” sabi ng manager na si Giulio Conte.Ang pinaka-hinahanap na mga serbisyo ay ang tulong sa mga permanent residency permit at mga Postepay card.“Ang Postepay Evolution ang pinaka-karaniwan dahil nagpapahintulot ito ng mga internasyonal na transaksiyon,” pagpapaliwanag ng manager.Para sa may mga pangmatagalang planong manatili sa Italy at samakatuwid ay bumili ng bahay at may mortgage; marami sa kanila ang pumipili ng mga produktong tulad ng Da Grande policy, na pinasadya para sa mga bata.Dagdag pa ng manager na “ang aming pangunahing trabaho ay ang turuan ang mga tao kung paano sumunod sa mga patakaran sa ating bansa.”Ang presensiya ng konsultant na nakapagsasalita ng Italian at English, bukod sa kanilang mga tinubuang wika (French at Arabic), ay partikular na mahalaga.Si Abramo Zarra, 39, na ipinanganak sa Morocco, ay mahigit 20 taon nang naninirahan sa Italy at ngayon ay isa nang Italian citizen.Si Abramo ay may mga appointment sa 15-20 kostumer mula sa sampung iba-ibang bansa araw-araw at ngayon ay kailangan niya ng mas malaking lugar:“Kung minsan ay nakakausap ko ang mga regular na kliyente na lumaki na ang mga pamilya kung kaya kailangan namin ng mas malaking tanggapan para sa kanila.”
Sa Post Office, nakapila si Irma Rodas Perez (tubong Peru, siyam na taon nang naninirahan sa Florence) habang naglalaro naman ang kanyang 3-taong gulang na anak na si Benedetta.“Kaibigan ko ang ilan sa mga kabataang babaeng nagtatrabaho dito,” sabi ni Irma, na tinutulungan ni Esmeralda Marku, 32, mula sa Shkodër, sa Albania.Ngunit 14 na taon siyang tumira sa Florence at mayroon siyang puntong Tuscan kapag nagsasalita.Araw-araw sa Alamanni Post Office branch, may mga bagong tulay na nagkokonekta sa mga iba't ibang kultura at nagtatanggal sa mga balakid.Mayroon ding isang babaeng Italian na palaging pumupunta dito sa branch na ito at “nakakakita ng pag-asa dito sa multikultural na kapaligiran. Kung nakikita ng isang 88-taong gulang na babae ang mga obserbasyong ito, ibig sabihin na may pag-asa para sa buong komunidad.”